Martes, Mayo 28, 2013

Dan Brown, ang bad mo...;)



Okay. 


So galit ka? 


I understand...


You're a Filipino and you have the right to be angry with Dan Brown's latest book, "Inferno."
He described Manila, Philippines as the gates of hell. Hmmn...Ang deep. Hindi ko ma-dig. Hehe...

Personally, I haven't read the book yet. Wala pa budget para diyan. Pero I'm planning to buy one. Bakit? Dahil gusto kong makita at mabasa kung ano ba talaga and nakalagay doon. I want to know why he was able to write that content without even going here. Well, that's what the reviews said. Paano niya na-describe ang Manila kung ano talaga iyong sitwasyon ngayon? 6 hours traffic jam, pollution at prostitution. Well, let's open our minds people. Hindi ba tama ang lahat ng iyon. Ang ipinagtataka ko lang eh bakit ganoon kadetalyado. Pati sa mga nangyayari sa pulitiko, Si Dan Brown hindi iyan nagsusulat basta-basta. Talagang nagre-research iyan. Posible kaya na narinig or nakausap niya ang isang Pinoy din at ganoon iyong description nito sa lugar na sinilangan? Hmmmn, Maybe...Maybe not...

Marami na ang nangyari sa bansa natin na 'di makatarungan, 'di maganda at 'mga nangyayari sa paligid-ligid na 'di mo maipagmamalaki. Pero mas madami pa din naman ang mga magagandang bagay, tanawin at kultura ang maipagkakapuri ng bansa natin. Hindi man tayo ganun ka-civilized kung saan lumaki si Mr. Brown, eh masasabi kong hindi ko ipagpapalit ang bansang ito sa bansa niya. I don't have anything against Americans. I just love my country. And I will die here, happy, proud to be a Filipino...